Saturday, October 01, 2005
ANG KaBAYAWan: Isang Paglilinaw
Mga prends, bago ang lahat...
News Flash!!! Forces of Evil/Bayaw/Las Chupacabras!
Bumili naman kayo ng Manila Bulletin ngayon (Sabado, October 1). An article by Karl De Mesa about our name-morphing band came out in the I section.
Wasak!
----------------------------------
Speaking of which, I was at the UP Press Mega Launch yesterday and Neil Garcia told me he got a text that posits something to the effect that I've started an exclusive Anti-Gay movement for Filipino male writers called "Bayaw".
Hala. Kala ko nagbibiro lang s'ya pero apparently, may kung sino d'yan na 'di nakakaintindi sa ibig sabihin ng BAYAW. Para magkalinawan at 'di kumalat ang mga maling akala, heto ang mga basic tenets ng pagiging isang bayaw.
1. Unang-una, ang salitang "bayaw" ay nagsimula sa pagpansin ng barkada (minsan, sa isang mahaba-haang inuman sa '70s Bistro, kasama si Easy at Carljoe) sa mga tipikal na lalaking pinoy na laging nakatambay sa kanto at umiinom ng bilog. 'Yun bang mga laging nakasandong puti na na nakalilis para ibandera ang mga bundat at Latigo 50-deprived na tiyan? "Yung mga nakaupo sa tabing kalsada at minsan may tato pa ng agila sa dibdib? May kaha ng sigarilyo sa nakaipit na parang shoulder pad sa loob ng sando? O kaya'y naka pulseras na itim (na kung tawagin sa amin sa probinsiya'y Black Sabbath) ? 'Yung mga nagsesenti sa bidyoke pag tumugtog na ang "My Way" at "Father and Son?"
Sila ang tinutukoy dito. At kadalasan ay MAGBABAYAW sila.
Para kasing hindi bagay na tawagin silang Jologs dahil matatanda na sila at 'di naman sila fashion-challenged. Buong-buo nga loob nila sa kanilang prinsipyo at pananamit.
BAYAW is not a derogatory term. Isang magandang halimbawa ay ang aking Tatay. Noong araw, laging 'yung nakatambay sa tabi ng haywey sa baryo namin sa Silang. Nakalilis ang damit. Barkada ang mga konduktor ng bus. Nagyoyosi ng Hope at Champion.
Nitong nakaraang huwebes lang, bumisita sa akin sa Miriam. May dala-dalang isang kaing na rambutan. 'Nung makita ko, may nakasukbit na shorpet sa baywang, naka Le Tigre na polo shirt, at biglang tropa na sila ng sikyo. Kesyo nakapunta na raw sa aming baryo 'yung sikyo nga at kilala daw si Mang Indeng na taga-bayan.
Pa'no ba nagagawa 'yung ganoong pakikisama? Bigla na lang magkaibigan na sila ni manong guard. At eto na nga ang mas nakakatuwang kahulugan ng katagang Bayaw, na:
2. Literal man, KAPATID NG ASAWA MO ang bayaw mo o asawa ng kapatid mo. Mahalagang ipasok ito sa konsepto ng samahan o pagkakaibigan. Sa mga barkada ngayon, bayaw ang tawagan namin dahil naging simbolo na ito ng malalim na samahan--na para ngang may respeto na higit pa sa simpleng barkadahan, dahil nga "bayaw" mo. Kapag babaeng kaibigan, hipag naman ang tawag. Ganun ang respetuhan.
3. AT dahil nga may nalalabuan, walang anything against homosexuals ang bayaw. Kahit mukhang nakakahon sa pangkalalakihan ang bayaw, hindi ito politikal na salita laban sa ibang gender. SUS, WAG N'YO SERYOSOHIN. 'DI NAKA-DEXTROSE ANG SALITANG BAYAW.
Makitid na pag-iisip 'yan. Marami akong kaibigang bading at alam nilang tongue-in-cheek lang ang kabayawan. Kung baga, kung hipag ang tawag, eh di hipag. Kung bayaw, bayaw. Ang punto eh, paghanga at pagkakaibigan ang pinapahalagahan ng konseptong BAYAW.
4. To sum it up, the term is meant to be IRONIC when it comes to Filipino machismo. It pokes fun at the sensibilities and culture of the stereotyped Filipino male.
Walang panggagaya dito. Pagpansin lang at pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga
BAYAW!!!